Part I: " PANGARAP" "PAGSISIKAP" "PAGHAHARAP" "Ang kagandahan ay nasa taong naniniwala sa kagandahan ng kanilang pangarap" Hindi masama ang mangarap, ngunit kapag gusto mong maabot ang pangarap na iyon at kahit ang makasakit ng ibang tao, gagawin mo para sa mga matataas na pangarap mo. Ganito ang ginawa ni Rose. Para makaalis sa mahirap na buhay sinira niya ang magandang hinaharap ni Meb. Ngunit naniniwala si Meb na mabuti si Rose at babalik ito balang araw. Lumipas ang sampung taon....Nagtagpo ulit ang kanilang mga landas. Ibang Rose na ang bumalik. Ibang Meb na rin ang lumaki ngunit nananatili pa rin ang mga pangarap niyang mabubuo ulit ang pamilya nila. Gusto niyang tuparin ang mga pangarap niya para sa kinalakihang pamilya at para kay Rose. Ngunit paano kung si Rose rin mismo ang gagawa ng paraan para hindi ito matupad. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, makilala pa kaya nila ang isa't isa? O puot at inggit ang kanilang mararamdaman sa muling pagkikita? Ito ang kwento ng dalawang magkaibang tao ngunit iisa ang tanging hinahangad...ang matupad ang mga pangarap na matagal na pinagkait ng panahon.
7 parts